Manila, Philippines – Binigyang diin ng Armed Forces of the Philippines na hindi maaaring madaliin ang pag-clear ng sundalo sa Marawi City.
Ito ay sa harap narin ng sinasabi ng ilang kritiko ng giyera sa lungsod na masyado nang inaabot ng matagal ang gulo kaya dapat ay madaliin na ito ng Militar.
Ayon kay AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, hindi ito maaaring gawin dahil kailangan ding tiyakin ang kaligtasan ng ating puwersa na nakikipagbakbakan sa lungsod.
Paliwanag ni Padilla, kahit sa ibang bansa ay hindi din minamadali ang clearing operations sa mga ganitong sitwasyon kung saan umaabot pa aniya ito ng 6 na linggo hanggang tatlong buwan.
Sinabi ni Padilla maraming maaaring gawing patibong ang mga terorsita sa urban setting kaya kailangang maging maingat din ang militar sa pag-clear sa Marawi upang matiyak ang kanilang kaligtasan at ng mga sibiliyang naiipit parin sa gulo sa lungsod.
Clearing operation sa Marawi City, hindi maaring madaliin ng AFP
Facebook Comments