CLEARING OPERATION SA MGA ILLEGAL VENDORS SA MAPANDAN, ISINAGAWA

Nagsagawa ng clearing at flushing operation ang lokal na pamahalaan ng Mapandan, katuwang ang ilang ahensya, upang paalisin ang mga ilegal na tindera sa bahagi ng Brgy. Aserda.
Ayon sa LGU, ilang ulit nang inirereklamo ng mga residente ang pagdami ng illegal vendors sa naturang lugar, dahil nagdudulot ito ng mabigat na trapiko. Sa isinagawang operasyon, nilinis din ang mga basura at kalat na iniwan ng mga ilegal na pwesto na kalaunan ay nagiging sanhi ng masangsang na amoy.
Dahil sa presensya ng mga ilegal na tindera, apektado umano ang mga lehitimong negosyante na may kumpletong business permits at regular na nakakapagtinda sa pamilihan.
Nanawagan ang ilang residente na ipagpatuloy ang ganitong operasyon sa iba pang bahagi ng bayan upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan. Hinihikayat din ng tanggapan ang mga nais magtinda na kumuha ng kaukulang permits at dokumento upang makapagnegosyo nang legal sa bayan ng Mapandan.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments