Parañaque City – Muling nagkasa ng clearing operations ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Baclaran, Parañaque City.
Pinangunahan ang operasyon ni MMDA Supervising officer Bong Nebrija kasama ang task force Special operations kung saan muli nilang nilinis ang mga bangketa sa Baclaran.
Pinagkukumpiska ang mga lamesa lona kariton ng mga illegal vendors.
Tinarget din ng MMDA ang mga pasaway na pedicab at kuliglig.
Sinalakay din ang Aduana Street sa Baclaran dahil dito naglulungga ang mga vendors sa tuwing may clearing operations.
Dito rin itinatago ng mga vendors ang kanilang mga kariton o mga rolling stores kapag may operasyon ang MMDA.
Sinabi ni Nebrija na kahit paulit-ulit nilang nililinis ang Baclaran at iba pang lugar sa Metro Manila hindi sila magsasawa hanggat walang disiplina ang mga Pinoy.
Sa kabilang banda nananawagan si Nebrija sa mga LGUs na tulungan naman sila sa pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang mga nasasakupan.