
Ipagpapatuloy pa rin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang clearing operations sa mga alternatibong ruta sa Metro Manila sa kabila ng pagsususpinde ng Edsa rebuild.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni MMDA Traffic Enforcement Special Operations Group Strike Force Gabriel Go na iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na linisin ang lahat ng nakaaabala sa daloy ng trapiko sa mga kalsada.
Kabilang dito ang illegal structures, illegal parking at ang paglilinis sa mga bangketa para madaanan ng pedestrian at maging ang illegal vendors sa footbridge.
Partikular na ang Mabuhay lanes na alternatibong daanan ng mga motorista.
Ayon kay Go, layon ng mga operasyon na gawing ligtas daanan ng mga tao at sasakyan sa mga kalsada, at ang mga tawiran.









