CLEARING OPERATIONS SA BAYAMBANG, PINAIGTING BILANG PAGHAHANDA SA CHRISTMAS BAZAAR

Pinaigting ng Task Force Disiplina (TFD) ng Bayambang, Pangasinan ang clearing operations sa Municipal Plaza bilang bahagi ng paghahanda sa nalalapit na Christmas Bazaar.

Kabilang sa mga aktibidad ng grupo ang pagtanggal ng mga lumang tarpaulin sa Poblacion at road clearing sa mga pangunahing lansangan, alinsunod sa direktiba ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Tinalakay din sa pulong ang pagpapatupad ng barangay road clearing operations at ang panukalang pagbuo ng TFD sa barangay level, kung saan ang mga barangay captain ang magsisilbing pinuno.

Ipinresenta naman ng traffic consultant ang resulta ng pag-aaral sa daloy ng trapiko sa kabayanan.

Bilang tugon, iminungkahi ang paglalagay ng mga traffic lights sa mga pangunahing kanto at ang asphalting ng bagong parking area upang mapagaan ang trapiko at matugunan ang problema sa paradahan ngayong papalapit ang kapaskuhan

Facebook Comments