Clearing operations sa mga gusali sa Marawi City, bumagal pa

Marawi City – Kinumpirma ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na naging mas mabagal pa ang ginagawang clearing operations ng mga sundalo sa ilang gusasli sa Marawi City habang lumiliit ang lugar na hawak ng Maute Terror Group.

Ayon kay AFP Spokesman Major General Restituto Padilla, habang nagpapatuloy ang tinatawag na final push ng mga sundalo sa mga lungod ay mas dumadami pa ang mga iniiwang Improvised Explosive Devices ng mga terorista sa mga bahay na kanilang iniiwan.

Sinabi ni Padilla, ngayon ay nagpapatuloy ang mainit na bakbakan sa mga kalye sa main battle area at 7 gusali lang naman aniya ang kanilang na-clear nitong nakalipas na 24 na oras.


Matatandaan na sinabi narin ng AFP na kailangang maging maingat ang mga sundalo sa clearing operations upang matiyak na hindi na madaragdagan ang mga sundalo na masusugatan ng mga IED na iniiwan ng mga terorista.

Facebook Comments