CLEARING OPERATIONS SA MGA IRRIGATION CANAL SA PANGASINAN, ISINASAGAWA

Patuloy na isinasagawa ng National Irrigation Administration- Pangasinan ang clearing operations at desiltation sa mga irrigation canals sa lalawigan.
Ayon sa ahensya, bilang paghahanda Umano ito sa panahon ng tag-ulan upang maiwasan ang malaking epekto ng depektibong irigasyon sa mga sakahan sakaling makaranas ng problema.
Sa pamamagitan ng clearing operations, mas naisasaayos ang daloy ng tubig sa mga sakahan at mapanumbalik ang kapasidad ng irigasyon at mapanatili ang kalidad ng tubig. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments