Clearing operations sa mga lugar malapit sa Tandang Sora flyover, isinagawa

73

Sinuyod ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang kahabaan ng Luzon Avenue, Visayas Avenue, Congressional Avenue para baklasin ang lahat ng obstructions ngayong umaga.

Sentro ng clearing operations ang mga illegally-parked vehicles at illegal vendors sa mga lugar malapit sa Tandang Sora flyover.

Ito ay upang bigyang daan ang alternate roads na gagamitin ng mga motorista kapag isinara na ang Tandang Sora at Commonwealth intersection sa Marso 2.

Sinusuyod na ng unang team ng MMDA ang Commonwealth hanggang Tandang Sora pagkatapos ay kumanan sa Congressional extension hanggang Luzon Avenue bago kumanan sa Central Avenue at kakanan muli sa Visayas Avenue hanggang Tandang Sora Market.

Habang ang area of operation: naman ng isang team ng MMDA ay sa bahagi ng Commonwealth hanggang Luzon Avenue at kakaliwa ng Congressional extension pagkatapos ay kakanan sa Tandang Sora at kaliwa ng Visayas Avenue.

Ang hakbang ng MMDA ay bilang paghahanda sa closure ng Tandang Sora flyover and Intersection Closure Moved to March 2 epektibo alas 11 ng gabi.

Ito ay para bigyang daan ang paggiba sa flyover at konstruksyon ng MRT-7 sa lugar.

Facebook Comments