Natapos na ang Clearing Operations sa mga pinaka-apektadong lugar ng digmaan sa Marawi City.
Ayon kay National Housing Authority (NHA) General Manager Marcelino Escalada, inabot ng dalawang taon ang Clearing Ops sa Marawi dahil hindi pwedeng makompromiso ang kaligtasan at seguridad ng mga residente.
Pero hudyat na ito na masisimulan na ang rehabilitation at reconstruction ng lungsod.
Pero nilinaw ni Marawi City Mayor Majul Gandamra, hindi pa rin pwedeng tumira ang mga residente.
Sinabi naman ni Lanao Del Sur Gov. Mamintal Adiong Jr., malaking hamon kung kailan maibabalik ang supply ng kuryente at tubig sa lugar.
Target ng gobyerno na mabuksan ngayong Disyembre ang most affected area sa higit 16,000 residenteng nawalan ng tirahan.
Facebook Comments