Clearing sa 2 Overflow Bridges sa City of Ilagan, Kasalukuyan!

60

Cauayan City, Isabela- Nag-dispatch na ng heavy equipment si City Mayor Jay Diaz upang tanggalin ang mga naipong debris sa mga overflow bridges sa Lungsod ng Ilagan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Butch Estabillo, pinuno ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, bumaba na aniya ang lebel ng tubig sa Cabisera 8 at Baculod overflow bridge na kasalukuyang nililinis dahil sa mga nakabalandrang debris.


Maaari nang dumaan ang mga maliliit na sasakyan sa Cabisera 8 overflow bridge at pagkatapos aniya ng clearing ay maaari nang daanan ng anumang uri ng sasakyan.

Bukod dito, tinitignan din ng kanilang tanggapan ang mga nasirang pananim na apektado ng pagtaas ng tubig sa ilang bahagi ng Lungsod ng Ilagan.

Patuloy naman ang pagpapaalala ng nasabing tanggapan sa mga residente lalo na sa mga nasa malapit sa ilog na laging maging alerto sa tuwing may kalamidad o sakuna.

Facebook Comments

From Advertisers