Clement, nag-sorry sa magulang ni Darwin Dormitorio

Humingi ng paumanhin si AFP Chief of staff Lieutenant General Noel Clement sa magulang ni 4th class cadet Darwin Domitorio ang kadeteng namatay sa hazing sa Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City.

Ang pag-sorry ni Clement ay kanyang sinabi sa kanyang speech sa isinagawang PMA Change of Command.

Aniya alam niyang hindi sapat ang kanyang paghingi ng paumanhin sa magulang ni Dormitorio pero umaasa silang mauunawaan sila ng magulang ni Dormitorio na sina retired Colonel William Dormitorio at asawang si Jazy Dormitorio.


Pagtiyak naman ni Lieutenant General Clement sa mga magulang ng mga PMA cadets na sa bagong leadership ng PMA ay hindi na mauulit pa ang nangyari kay Dormitorio.

Giit ni Clement, isolated case lamang ang nangyari kay Dormitorio at ang bagong PMA Commandant of cadets aniya na si Brigadier General Romeo Brawner ay nagdeklara ng war on hazing.

Facebook Comments