Clerk na HVT ng PDEA Region II, Arestado sa Santiago City!

*Santiago City-* Kalaboso ang isang Clerk na itinuturing na High Value Drug Target ng PDEA RO II sa kanilang inilatag na Drug Buy Bust Operation katuwang ang Santiago City Police Office (SCPO) kahapon sa Barangay San Andres, Santiago City.

Kinilala ang naaresto na si Adrian Cayacap, 43 anyos, may asawa, Clerk III ng pamahalaang Lungsod ng Santiago at residente ng Brgy. Buenavista, Santiago City.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, nagpositibo ang transaksyon ng mga otoridad kung saan nakuha mula kay Cayacap ang dalawang piraso ng small heat sealed transparent sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.


Nasa pangangalaga na ng PNP ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments