Cleveland Cavaliers, Babawian Ang Golden State Warriors Sa Game 3 Ng Nba Finals

32

CLEVELAND, OH – Handa nang rumesbak ang Cleveland Cavaliers kontra Golden State Warriors sa game 3 ng NBA finals, mamayang alas nuebe ng umaga oras sa Pilipinas.Ayon kay Cavs Coach Tyronn Lue, kumpiyansa siyang maipapanalo ng koponan ang game 3 lalo’t wala pa silang talo sa kanilang homecourt ngayong season.Ipinaalala naman ng star player ng Cavs na si Lebron James sa kanyang teammates na dapat “do or die” na ang kanilang mindset sa game 3.Para naman sa guard ng Warriors na si Steph Curry, handa silang ibigay ang lahat at desidido silang makuha ang 3-0 na kalamangan kontra Cavs.Samantala, ngayong araw din malalaman kung papayagang makapaglaro si Kevin Love makaraang aksidenteng tamaan ang kanyang ulo ni Harrison Barnes sa game 2 ng NBA finals

Facebook Comments