Cleveland Cavaliers, nalusutan ang Boston Celtics sa opening night ng ‎2017-2018 NBA season

Sports – Naungusan ng defending Eastern Conference champions Cleveland Cavaliers ang Boston Celtics, 102-99 sa pagbubukas ng bagong NBA season.

Umiskor ng 29 points si Lebron James para pangunahan ang Cavaliers sa pagbibigay ng kabiguan sa nagbabalik na si Kyrie Irving.

Si Irving na ipinagpalit ng Cavs kay Isaiah Thomas, Jae Crowder at isang draft pick sa Boston bago magsimula ang season ay umiskor ng 22 points para sa kaniyang bagong koponan.


Agad naman minalas ang Boston dahil halos wala pang anim na minuto sa laro ay na injure si Gordon Hayward.

Sa inisyal na report fractured ankle ang tinamo nito at hindi pa alam kung makakabalik pa ito sa court ngayong season.

Facebook Comments