Cleveland Cavaliers, pinadapa ang Los Angeles Clippers, 118-113 sa overtime

NBA – Umiskor ng 39 points si LeBron James para hatakin ang Cleveland Cavaliers sa 118-113 overtime win kontra Los Angeles Clippers sa NBA.

Lamang ng tatlo ang Cleveland, 114-111 may 30 segundo sa OT ang natitira nang isalpak ni James ang dagger three para wakasan ang pagnanais ng Clippers na maisalba pa ang laro.

Bukod sa clutch triple, may 14 rebounds at anim na pasa ang “The King” para sa ikasiyam na panalo ng Cleveland sa labing-anim na laro.


May 23 points naman si Blake Griffin habang nag-ambag ng 22 rebounds si DeAndre Jordan para sa Clippers.

Facebook Comments