‘CLICKING ACCOUNTS’ | SEC, nagbabala laban sa isa pang investment scheme

Manila, Philippines – Nagbabala ang Securities and Exchange Commission (SEC) sa publiko laban sa isang investment scheme na nangangako ng malaking kita.

Una rito, nakatanggap ang komisyon ng impormasyon na may mga indibidwal o grupo na kumakatawan sa Alifelong Marketing And Services, Inc ang umaakit sa publiko na mamuhunan dito.

Kini-claim ng Alifelong na ito ay isang kumpanya ng advertising/marketing na mayroon mga kliyente na nakabase sa ibang bansa.


Tinitiyak nito sa mga miyembro na kikita ang kanilang myembro ng P1,500 na paunang puhunan sa pamamagitan ng pagbili ng “clicking accounts” o sa pamamagitan lamang ng pagkuha ng mga referral.

Pinapaalam ng Komisyon sa publiko na ang alifelong marketing and services, inc., ay nakarehistro sa Komisyon bilang isang korporasyon, ngunit hindi awtorisadong mangalap ng pamumuhunan mula sa publiko.

Facebook Comments