Climate Change Commission, buo ang suporta kay Sec. Gina Lopez

Manila, Philippines – Suportado ng Climate Change Commission ang isinusulong na adbokasiya ni Environment Secretary Gina Lopez laban sa mining.

 

Ayon kay Climate Change Commission Vice Chairperson Veronica Victorio, apektado ang klima kapag nakakalbo ang kabundukan sa pamamagitan ng mining.

 

Paliwanag ni Victorio, nakababawas ng carbon o naglilinis ng hangin ang mga puno at maganda din aniya ang epekto ng mga bakawan kontra storm surge.

 

Matatandaan na na-bypass nanaman ng Commission on Appointments si Lopez at lumulutang naman ang pagkontra ni Finance Secretary Carlos Dominguez sa mga ginagawang hakbang ni Lopez.

 

Pero buo naman ang suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Lopez at nagbanta pa ito ng total ban sa mining. 

 

Samantala, ngayong araw naman ay isa lamang ang public schedule ni Pangulong Duterte at ito ay ang kanyang pangunguna sa inagurasyon ng Toyota sa Matina, Davao City.

Facebook Comments