Climate change conferences, walang silbi – PRRD

Kinuwestyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang international climate change commitments.

Iginiit ng Pangulo – na wala namang governing body na magpapatupad ng batas kaugnay nito at magpapataw ng sanctions laban sa mga bansang hindi susunod.

Ipinahayag din niya ang kanyang bagabag sa roundtable discussion kasama si United Nations Secretary-General Antonio Guterres.


Dagdag pa ng Pangulo na ang mga developing countries tulad ng Pilipinas ang nakakaranas ng matinding consequence ng global warming.

Bilang bahagi ng effort na maibsan ng epekto ng climate change, sumama ang Pilipinas sa halos 200 bansa sa isang Paris deal noong December 2015 na bawasan ang greenhouse gas emissions nito.

Facebook Comments