Climate change, dapat lang na maging election issue

Sang-ayon sina Senators Imee Marcos at Panfilo “Ping” Lacson na mainam na maglatag ang mga kandidato sa 2022 elections ng agenda o programa kung paano maiibsan ang epekto ng climate change sa bansa.

Diin ni Marcos, ito ay dahil ang Pilipinas ay isa sa pinaka vulnerable na bansa pagdating sa epekto ng climate change kung saan maaaring malagay sa panganib ang buhay at seguridad ng ating mga kababayan.

Binanggit din ni Marcos ang babala ng mga siyentista na mas malaking banta at problema ang hatid ng climate change kaysa sa COVID-19.


Sabi naman ni Senator Lacson, kitang-kita na ang hindi magandang epekto ng climate change at pagbabagong dulot nito sa kalikasan kaya mainam na magtulungan ang mga bansa sa pagtugon dito.

Ipinaliwanag ni Lacson na kung hindi tayo aaksyon ay magigising na lang tayo isang araw para saksihan ang lupit ng epekto ng climate change.

Ang pahayag nina Marcos at Lacson ay kasunod ng malala at mapaminsalang baha sa ilang lugar sa Europa, wildfire sa Australia at Estados Unidos habang malalakas na bagyo naman ang naranasan dito sa Pilipinas tulad ng Ondoy at Yolanda.

Facebook Comments