Climate crisis sa Asia-Pacific, pinaaaksiyunan ng mga NGOs at member partner sa ADB

Nagkakaisa ngayon ang mga Non-Governmental Organizations (NGOs) at mga member partners na igiit sa Asian Development Bank (ADB) na aksiyunan ang nagaganap na ‘climate crisis’ sa Asia Pacific.

Ito ay kasabay nang nagpapatuloy na 14th Asia Clean Energy Forum.

Taong 2018 nang gumawa ng ‘Joint Framework’ para sa kanilang mga aktibidad na may kinalaman sa Paris Agreement ang mga Multilateral Development Banks (MDBs) kabilang ang ADB.


Ayon kay Annabel Perreras, Advocacy Coordinator ng NGO Forum on ADB.  Sa ilalim ng ADB Strategy 2030, itinaas nito sa 75% ang kanilang operasyon sa pagsuporta sa ‘climate change mitigation’ at ‘adaptation’ sa loob ng 11 taon  at nangakong uunahin na mag-invest sa ‘low-carbon economy.’

Sinabi naman ni  Gerry Arances, Executive Director of Center for Energy, Ecology, and Development, na panahon na para idesentralisado ng ADB ang ‘renewable energy microgrids’ gaya ng sa Pilipinas.

Aniya, ito ay napatunayan nang epektibong alternatibo para sa pagkakaroon ng malinis, abot-kaya at mapupuntahang elektrisidad partikular ng mga naninirahan sa mga isla at remote area, maging sa Metro Manila.

Ayon sa mga grupo,  sa paglalagak ng investment sa ‘distributed renewable energy systems’,  makatutulong ito sa pagtupad ng commitment ng ADB sa pagpapabuti ng governance at pagtupad sa Bank’s stated objective na pagsisiguro ng energy access para sa lahat.

Facebook Comments