Climate Emergency, pinadedeklara ng Environmental Group kay PRRD

 

Pinadedeklara ng Environmental Group na Greenpeace kay Pangulong Rodrigo Duterte ang Climate Emergency.

Ito’y kasunod na rin ng pinsalang iniwan ng Bagyong Tisoy.

Sa isang open letter, nanawagan ang grupo sa Pangulo na magdeklara ng Climate Emergency sa pamamagitan ng Executive Order na makakatiyak na ipaprayoridad ng gobyerno ang epekto ng Climate Change sa buhay ng bawat Pilipino.


Iginiit din ni Greenpeace Country Director Lea Guerrero, na palaging banta sa bansa ang matitinding pag-ulan, pagbaha, at pagguho ng lupa.

Ang Pilipinas anila ang pinakanapupuruhan ng pagbabago ng klima.

Ang mga inirerekomendang kongkretong akyon ay:

  • Gawing sentro sa policy decision-making ang Climate Urgency mula sa local hanggang sa national level
  • Panagutin ang Fossil Fuel Companies sa pagpapalala ng Climate Change
  • Paigtingin ang Emmission Reduction ng mga industrialized nations
  • Isulong ang low-carbon pathway at paggamit ng Renewable Energy
  • Itigil ang lahat ng planong coal at Fossil Fuel Investments
Facebook Comments