Manila, Philippines – Sa layuning maipalaganap ang kahalagahan na agarang aksyunan ang krisis sa usapin ng Climate Change, bumibisita ngayon sa Pilipinas ang ‘Rainbow Warrior’ Ship ng Global, Independent Campaign Organization na Greenpeace.
Ayon sa organisasyon, napapanahon ang tinatawag na ‘Climate Justice Tour’ ng barko sa bansa na unti-unti nang nararamdaman ang epekto ng pabago-bagong panahon na dulot ng mga aktibidad ng tao at ng mga industriya.
Magsisilbi itong platform ng mga komunidad na apektado na ng climate crisis at maipanawagan sa mga kinauukulan na isulong ang kanilang proteksyon at climate-resilient na Pilipinas.
Kaugnay nito, inaanyayahan ng Greenpeace Philippines ang publiko na suportahan ang kanilang layunin at makiisa mula sa iba’t ibang personalidad sa mundo na nakikipaglaban para sa Climate justice.
Nasa Manila Port ang Greenpeace Ship hanggang sa araw na ito bago sunod na dumaong sa Tacloban, Leyte at sa Guimaras Island sa Western Visayas sa buwan ng Marso.