Muling itutuloy ng World Health Organization (WHO) ang clinical trial nito ng hydroxychloroquine bilang mga potensyal na gamot laban sa COVID-19.
Matatandaang inihinto ng WHO ang pag-aaral sa nasabing anti-malarial drug dahil sa pinangangambahang ikamamatay ito ng mga pasyente.
Ayon kay WHO Chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, inirekomenda ng kanilang Data Safety Monitoring Board na ituloy ang lahat ng trial matapos i-review ang mga datos hinggil sa nasabing gamot.
Sinabi ng WHO official na patuloy na babantayan ng safety board ang lahat ng gamot na dumadaan sa trials, kung saan nasa 3,500 pasyente ang kalahok mula sa 35 bansa.
Kaugnay nito, nangangamba ang WHO sa naitalang outbreak sa Latin America at Haiti.
Sa ngayon, aabot sa tatlong milyong tao ang apektado ng COVID-19 sa Americas.