Clinical trial ng Ivermectin bilang gamot sa COVID-19, inaasahang matatapos sa unang quarter ng 2022

Target ng Department of Science and Technology (DOST) na matapos sa unang quarter ng susunod na taon ang clinical trial ng Ivermectin bilang gamot sa COVID-19.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DOST Executive Director Dr. Jaime Montoya na sa ngayon ay isinasapinal pa ang gagawing protocol sa pagsasagawa ng clinical trials.

Posible aniya nilang masimulan ito sa huling linggo ng Mayo dahil kinakailangan pa rin nitong dumaan sa iba’t ibang committee.


Ayon kay Montoya, pumayag man o hindi ang Food and Drug Administration (FDA) ay tatapusin pa rin nila ang clinical trial ng Ivermectin.

Facebook Comments