Target ng Department of Science and Technology (DOST) na masimulan sa katapusan ng Mayo ang clinical trial ng anti-parasitic drug Ivermectin bilang gamot sa COVID-19.
Ayon kay DOST – Philippine Council for Health Research Development Executive Director Dr. Jaime Montoya, posibleng magtagal ang clinical trial ng anim na buwan basta mabilis ang pag-recruit ng pasyente.
Aniya, ang mga pasyenteng lalahok sa trial ay bibigyan ng consent forms.
Tiniyak naman ni Montoya na gagamutin at mabibigyan ng indemnity o makakauha ng claim ang pasyenteng magkaroon ng adverse effects habang sinasagawa ang clinical trial.
Ang nasabing clinical trial ay pangungunahan ni Dr. Aileen Wang sa Philippine General Hospital quarantine center.
Facebook Comments