Clinical trial ng PGH sa VCO, matatapos na ngayong Setyembre

87

Inaasahang matatapos ng Philippine General Hospital (PGH) ang clinical trial nito sa bisa ng Virgin Coconut Oil (VCO) kontra COVID-19 sa katapusan ng Setyembre.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña, napapanahon ito lalo’t nahaharap ngayon ang bansa sa hamon ng kakulangan ng suplay ng tocilizumab, na ginagamit na gamot sa mga pasyenteng may COVID-19.


Kabilang sa mga lumahok sa clinical trials ng VCO sa PGH ang mga moderate at severe COVID-19 patients.

Bukod sa PGH, nagsasagawa na rin ng kaparehong trials ang Valenzuela at Muntinlupa.

Kumpiyansa rin ang DOST na matatapos nila ang trial sa lagundi at tawa-tawa.

Facebook Comments