Magsisimula na dalawang linggo, simula ngayon ang clinical trial para sa bakuna laban sa COVID-19 sa mga residente ng Cavite.
Ito ang inihayag ni Cavite Governor Jonvic Remulla matapos na matukoy ang mga high-risk sa COVID-19.
Ayon kay Remulla, nasa 10,000 residente ng Cavite ang makikilahok sa phase 3 field trial ng dalawang pharmaceutical companies na nagsasaliksik sa COVID-19 vaccine.
Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga pulis, drivers ng public transport vehicles, factory workers, at senior citizens.
Sila ay isasailalim sa swab testing bago isama sa clinical trials.
Sinabi ni Remulla na aabot sa isang buwan bago malaman ang resulta ng medical trials.
Tiniyak naman ng Gobernador na mahigpit ang koordinasyon ng gagawing clinical trial sa Department of Health.