Clinical trial para sa Ivermectin, gagawin sa Pilipinas – DOST

Magsasagawa ng clinical trial sa bansa para sa paggamit ng Ivermectin bilang gamot sa COVID-19.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña, nagkasundo sila ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na ipursige ang clinical trial.

Ang DOH ay nakalaang pondo na para sa clinical trial.


Handan silang magsagawa ng trial kung nakatanggap na sila ng request mula sa DOH at sa Food and Drug Administration (FDA).

Ang clinical trial projects ay inaabot ng hanggang anim na buwan, kung maraming volunteer ang gustong lumahok ay mapapabilis ang proseso.

Ang University of the Philippines Manila – Philippine General Hospital (UP-PGH) ang sinisilip na magsagawa ng clinical trial kung saan si Dr. Aileen Wang ang lead person.

Noong 2019, si Dr. Wang ang piniling Most Outstanding Researcher ng Philippine College of Chest Physicians.

Facebook Comments