Clinical trial para sa Ivermectin, magsisimula sa Agosto

Sisimulan na sa susunod na buwan ang clinical trials para sa paggamit ng anti-parasitic drug na Ivermectin bilang gamot sa COVID-19.

Ayon sa Department of Science and Technology – Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD), ang walong buwang pag-aaral ay gagawin sa August 1 ng research team mula sa University of the Philippines (UP) at Manila – Philippine General Hospital (PGH) sa pamumuno ni Dr. Aileen Wang.

Layunin ng clinical trial na makapagbigay ng datos ukol sa safety, efficacy at epekto ng viral clearance ng Ivermectin sa asymptomatic at non-severe Filipino patients.


Una nang sinabi ni DOST Secretary Fortunato Dela Peña na ang Pilipinas ay bahagi ng isang international consortium na nagsasagawa ng analysis ng lahat ng randomized Ivermectin clinical trials sa buong mundo.

Facebook Comments