Clinical trial sa bansa ng bakuna kontra COVID-19, magsisimula na sa susunod na linggo

Inaasahang magsisimula na sa Disyembre ang clinical trial sa Pilipinas ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Philippine Council for Health Research Development Executive Director Jaime Montoya, nakadepende ang isasagawang clinical trial sa compliance ng manufacturers.

Aniya, ito rin ang timeline na ibinigay ng World Health Organization sa pagsisimula ng Solidarity Trial.


Maliban sa WHO Solidarity Trial, may aplikasyon din ang limang kompanya na magsagawa ng clinical trial sa bansa na kinabibilangan ng Sinovac ng China, Janssen, Sputnik V ng Russia, Clover Biopharmaceuticals at AstraZeneca.

Facebook Comments