Sisimulan na ngayong linggo ng Department of Science and Technology ang clinical trial para sa paggamit ng convalescent blood plasma bilang isa sa mga gamot sa mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DOST Secretary Fortunato de la Peña na ang convalescent plasma ay ang likidong parte ng dugo na mula sa mga COVID-19 survivors na nakapag-develop ng antibodies sa virus.
Ayon sa kalihim, kukuha ng 5-milliliters ng dugo mula sa mga nagdonate na survivors, isasalang ito sa purification para makuha ang kinakailangang likido, bago gamitin sa clinical trial.
Sinabi ni de la Peña na nakatulong sa mabilis na paggaling ng mga pasyenteng may severe cases ang nasabing blood plasma kaya susubukan ito ngayon ng UP-Philippine General Hospital sa mga may moderate cases.
Una nang ikinatuwa ng malacañang ang hakbang ng DOST na umpisahan ang clinical trial sa convalescent blood plasma bilang isa sa mga mode of therapy sa mga tinamaan ng COVID-19.