Clinical trial sa Pilipinas ng Chinese company na Clover Biopharmaceuticals, aprubado na ng FDA

Kinumpirma mg Food and Drug Administration (FDA) na inaprubahan na nito ang aplikasyon ng Chinese company na Clover Biopharmaceuticals para sa pagsasagawa ng clinical trials sa Pilipinas ng kanilang COVID-19 vaccine.

Sa kaugnay na balita, kinumpirma rin ni FDA Director Eric Domingo na natanggap na nila ang aplikasyon ng Gamaleya Research Institute para sa Emergency Use Authorization (EUA) ng kanilang bakuna.

Una nang kinumpirma ng Department of Science and Technology (DOST) na nag-withdraw ng kanilang aplikasyon para sa nakatakda sanang clinical trial ng anti-COVID-19 vaccine sa Pilipinas ang Gamaleya.


Partikular na iniatras ng Russian company ang pagsasagawa ng Phase 3 clinical trial ng Sputnik V dahil nag-apply na sila ng EUA.

Facebook Comments