Kinumpirma ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo na inaprubahan na ng FDA ang pagdaraos ng clinical trials sa bansa ng anti-COVID vaccine ng Johnson & Johnson’s na Janssen.
Ayon kay Domingo, ito ay kauna-unahang independent trial na gagawin sa bansa.
Kinumpirma rin ni Domingo na ang aplikasyon ng Janssen ay pumasa sa final regulatory review sa usapin ng safety at efficacy ng bakuna.
Posible aniyang simulan ang Phase 3 clinical trials sa January 2021 matapos na matukoy ng Vaccine Experts Panel (VEP) ang mga lugar at participants na lalahok sa trial.
Facebook Comments