Maaaring simulan ng mga ospital ang clinical trials nito sa paghahanap ng epektibong gamot laban sa COVID-19.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa 20 ospital sa bansa ang pwede nang magsimula kung may stock na sila ng off-label drugs na ginagamit sa multi-cuntry clinical trials ng World Health Organization (WHO).
Kabilang rito ang Remdesivir, Pinagsamang Lopinavir at Ritonavir, dalawang gamot at interferon beta at chloroquine.
Nasa 500 pasyente naman na kritikal sa COVID-19 ang inaasahang makikiisa sa trial.
Pero ayon kay Vergeire, dapat ay ipaalam at ipaliwanag sa mga pasyente kung ano ang pwedeng maging epekto sa kanila ng gamot.
Tatagal ng ilang buwan ang clinical trial.
Facebook Comments