Clinical trials ng Ivermectin sa Pilipinas, hindi na kailangan – DOST

Nilinaw ng Department of Science and Technology (DOST) na hindi na kailangang magsagawa pa ng clinical trials ng Ivermectin sa Pilipinas.

Katwiran ni DOST Secretary Fortunato Dela Peña, may mga isinasagawa ng clinical trials sa ibang mga bansa.

Ang clinical trial projects ay mangangailangan ng anim na buwan at maaaring umabot pa ito ng ilang taon bago malaman ang resulta nito.


Sa datos ng clinicaltrials.gov, sinabi ni Dela Peña na halos 20 na ang nakumpleto at 40 ang nagpapatuloy na clinical trials sa iba’t ibang bahagi ng mundo para alamin ang bisa ng Ivermectin laban sa COVID-19.

Iginiit ni Dela Peña na mas mainam na hintayin na lamang ang resulta ng mga pag-aaral.

Matatandaang nagbigay ang Food and Drug Administration (FDA) ng compassionate special permit (CSP) sa paggamit ng Ivermectin laban sa COVID-19.

Facebook Comments