Nagpapatuloy pa rin ang clinical trials ng Virgin Coconut Oil (VCO) sa mga pasyenteng mayroong moderate cases ng COVID-19 sa Philippine General Hospital (PGH).
Ayon kay Department of Science and Technology – Philippine Council for Health Research and Development Executive Director Dr. Jaime Montoya, isinasagawa ang VCO trials upang matiyak ang bisa nito bilang potential supplement para mapigilan ang paglala ng kondisyon ng mga pasyenteng dinapuan ng sakit.
Magpapasya sila batay sa magiging resulta ng trials at kung maaari itong i-apply sa Food and Drug Administration (FDA).
Sakop ng trial study ang 120 COVID-19 patients sa Valenzuela City kasunod ng paglalagda ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Local Government Unit (LGU), DOST, PCHRD, Food and Nutrition Research Institute (FNRI), at Philippine Coconut Authority (PCA).
Ang Valenzuela City Emergency Hospital at Dalandanan National High School Isolation Facility ang tinukoy na clinical trial sites para sa VCO.