Clinical trials ng Virgin Coconut Oil bilang gamot sa COVID-19, inaasahang matatapos na sa Hunyo

Inaasahang matatapos na sa darating na Hunyo ang isinasagawang clinical trials sa Virgin Coconut Oil (VCO) para sa mga COVID-19 patients ng Philippine General Hospital at sa Valenzuela City.

Ito ang kinumpirma ni DOST-Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD) Executive Director Dr. Jaime Montoya.

Paliwanag ni Montoya, makatutulong ang dumaraming COVID-19 cases ngayon sa pagpapalawak ng VCO trials.


Kasunod nito, posibleng pagdating ng Hunyo ay tapos na ang ginagawang pag-aaral sa mga datos.

Matatandaang sa mga huling pag-aaral ng DOST ay lumalabas na may potensiyal maging supplement ang VCO para maiwasan ang paglala ng kondisyon ng pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

Facebook Comments