Clinical trials para sa Avigan, nakabinbin; Mga dokumento, hinihintay pa ng DOH

Hindi pa nasisimulan ang clinical trials para sa anti-flu drug na Avigan lalo na at may ilan pang dokumento ang kailangang kumpletuhin.

Ito ang tugon ng Department of Health (DOH) kung bakit hindi pa makapag-umpisa ang clinical trials ng nasabing gamot.

Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hinihintay pa rin nila ang pagsasapinal ng ilang mga dokumento kabilang ang ilang kasunduan.


Umaasa si Vergeire na matatanggap na nila ang mga dokumento sa susunod na linggo.

Una nang inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagsasagawa ng clinical trial para sa Avigan nitong Hulyo.

Ang Avigan trial ay inaasahang gagawin sa Philippine General Hospital, Sta. Ana Hospital, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital at Quirino Memorial Medical Center, kung saan nasa 100 pasyente ang kailangang lumahok.

Facebook Comments