Inaasahang uumpisahan sa susunod na buwan ang clinical trials sa paggamit ng anti-parasitic drug na Ivermectin bilang gamot sa COVID-19.
Sa report ng Philippine for Health Research and Development (PCHR) kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña, ang walong buwang pag-aaral ay pangungunahan ni Dr. Aileen Wang, at posibleng simulan ito sa July 1.
Ang clinical trials ay hindi pa naaaprubahan ng Philippine Health Research Ethics Board (PHREB) at ng Food and Drug Administration (FDA).
Target ng DOST-PCHRD na makakuha ng technical approval sa loob ng linggong ito.
Nabatid na layunin ng pag-aaral na malaman ang efficacy, safety, at effect ng viral clearance ng Ivermectin sa mga asymptomatic at non-severe Filipino patients.