Inaasahang matatapos sa lalong madaling panahon ang clinical trials sa paggamit ng Lagundi bilang therapeutic o supplement laban sa COVID-19.
Ayon kay Dr. Cecilia Nelia Maramba-Lazarte ng University of the Philippines (UP) Manila, ang clinical trials ay may dalawang bahagi – ang dose-finding and safety study at ang placebo-controlled clinical trial.
Ang dose-finding at safety study ay isinasagawa na sa Quezon Institute at sa Philippine National Police (PNP) Camp Bagong Final Special Care Facility.
Aniya, maliit lamang ang adverse effects ng Lagundi treatment sa mga COVID-19 patients.
Nabatid na inaprubahan ng Department of Science and Technology – Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD) ang lagundi clinical trials.
Aprub din ng Food and Drug Administration (FDA) ang clinical trials ng lagundi bilang supplemental treatment laban sa COVID-19.