Clinical trials para sa Russian vaccine, pinaghahandaan na ng experts panel – FDA

Patuloy na nangangalap ng kinakailangang dokumento ang vaccine experts panel sa Pilipinas mula sa Gamaleya Research Institute ng Russia para makumpleto ang evaluation nito para sa pagsasagawa ng Phase 3 clinical trials para sa kanilang COVID-19 candidate vaccine sa Pilipinas.

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, nais malaman ng mga eksperto ang resulta ng Phase 1 at Phase 2 clinical trial ng candidate vaccine ng Russia.

Kapag natanggap na ng mga eksperto ang lahat ng kailangang dokumento ay maaari na silang magsagawa ng assessment sa loob ng isang linggo.


Nasa tatlong vaccine developers ang humihingi ng approval sa pagsasagawa ng Phase 3 clinical trials sa Pilipinas: ang Sinovac Biotech ng China; Gamaleya ng Russia; at Janssen Pharmaceutical Companies ng Estados Unidos.

Ang bakuna ng Sinovac ay lusot na ng vaccine experts panel pero kailangan pa rin ng approval mula sa Single Joint Research Ethics Board at sa FDA.

Facebook Comments