Clinical Trials para sa Sinovac vaccines, tuloy pa rin – DOST

39

Ipupursige pa rin ang independent clinical trials ng bakuna ng Sinovac Biotech kahit nagbigay na ang Food and Drug Administration (FDA) ng Emergency Use Authorization (EUA) sa bakuna.

Ayon kay Department of Science and Technology – Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD) Executive Director Dr. Jaime Montoya, ang Chinese vaccine developer ay nasa final stage ng paghahanda para sa clinical trials sa bansa.


Dagdag pa ni Montoya, ang Sinovac ay kailangan ding magsagawa ng karagdagang trials kung may target silang populasyon.

Kailangan lamang makumpleto ang Phase 3 trial para sa pag-iisyu ng certificate of product registration o full marketing authorization.

Facebook Comments