Umaasa ang Department of Science and Technology (DOST) na masisimulan na nila ang clinical trials sa Ivermectin sa November 15 matapos na dalawang beses na na-postpone.
Matatandaang ibinunyag ng DOST kamakailan na binago nila ang methodology para sa clinical trials para maiwasan ang mga isyu ng manipulasyon ng datos.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato dela Peña, patuloy pa nilang nire-revise ang mga protocols bago simulan ang trials.
Sakaling masimulan na ngayong Nobyembre, target ng ahensya na makapagbigay na inisyal na report sa katapusan ng taon.
Abril nang ipahayag ng DOST ang plano nitong pagsasagawa ng trials para matukoy ang kung maaaring gamiting panggamot sa COVID-19 ang Ivermectin.
Pero lumabas na mismo sa pre-clinical studies ng maker nito na Merck na walang siyentipikong basehan na may potential therapeutic effect ang nasabing anti-parasitic drug.
Kaugnay nito, sinabi ng Department of Health (DOH) na hindi pa rin inirerekomeda ang ivermectin bilang gamot sa COVID-19.