Clint Bondad, spotted na may kadate na isa ring model

Spotted si Clint Bondad kasama ang isang model sa premiere night ng horror film Maledicto sa Santolan Town Plaza.

Dahil rito, naging tampulan ng tanong kung bagong girlfriend na ba ni Clint ang ka-date na si Chelsea Robato.

Pero nang tanungin si Clint kung siya ba ay nasa moving stage na sinabi nitong “always stay fresh all the time.”


Matatandaang buwan ng pebrero ng aminin ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na break na sila ni Bondad.

Facebook Comments