Cauayan City, Isabela- Umaabot sa 72 na Certificates of Land Ownership Award (CLOAs) na may kabuuang 92.07 ektarya ng lupa na maaaring tamnan ng mga produktong pang-agrikultura ang iginawad sa ilang mga magsasaka sa Lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Nasa 53 na mga magsasaka ang maswerteng tumanggap ng CLOA na ibinigay sa Barangay Lupa, Kasibu, Nueva Vizcaya.
Pinangunahan ni Officer-in-Charge Municipal Agrarian Reform Program Officer Cesar Cortez ang pamamahagi ng CLOA sa mga benepisyaryo kasama sina Senior Agrarian Reform Program Technologist Timothy Camson at Agrarian Reform Program Technologist Felicitas Grapiza.
Ang Serbisyong “DAR-to-DOOR” program ni Agrarian Reform Secretary John Castriciones ay layong maibigay at maipaabot ng tama ang CLOA sa mga kwalipikadong magsasaka.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang door-to-door o personal na pamimigay ng CLOA sa mga benepisyaryo sa nasabing Lalawigan.