Hindi na kailangang sumailalim sa testing o quarantine ang mga fully vaccinated individuals na nagkaroon ng close contact sa mga probable o confirmed COVID-19 patients.
Ito ay kung sila ay natunton pitong araw pagkatapos ng kanilang huling exposure.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang Inter-Agency Task Force (IATF) ay naglabas ng protocols para sa fully vaccinated individuals sa bansa.
Ang mga fully vaccinated close contacts ng probable o confirmed COVID-19 cases ay maaaring sumailalim sa pinaikling pitong araw na quarantine kung sila ay asymptomatic.
Sakaling kinakailangan ng RT-PCR testing, maaari itong gawin na hindi maaga sa ikalimang araw pagkatapos ng petsa ng huling exposure ng close contact.
Pero pwede na ring hindi i-require ang mga fully vaccinated close contact sa testing at quarantine kung mate-trace sila sa ikapitong araw mula sa huling exposure at nananatiling asymptomatic.
Ang prescribed testing at isolationg protocols ay dapat sundin kapag positibo ang resulta ng RT-PCR test, o kung ang indibiduwal ay naging symptomatic.