CLOSE MONITORING | Mga batang nabakunahan ng Dengvaxia, tututukan

Manila, Philippines – Naglabas na ng memorandum ang Department of Education (DepEd) na naglalayong mapawi ang takot ng mga magulang ng mga estudyanteng naturukan ng dengue vaccine na Dengvaxia.
Sa ilalim ng DepEd memorandum no. 199, series 2017, na inisyu ni Secretary Leonor Briones, magtutulungan ang DepEd, DOH at DILG sa monitoring at surveillance para masiguro ang kondisyon ng mga mag-aaral sa National Capital Region, Central Luzon, Calabarzon at region 7 na nakatanggap ng naturang bakuna.
Nagbigay din ng direktiba si Briones sa mga administrator at health personnel ng mga eskwelahan na i-review ang master list ng mga estudyante para sa close monitoring ng mga sintomas, para magawan ng inisyal na report.
Samantala, nakatakdang ipadala ngayong araw ng Senado ang imbitasyon kay dating Pangulong Noynoy Aquino para dumalo sa susunod na pagdinig.
Sa interview ng RMN kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon – ito ay upang maipaliwanag ng dating Pangulo ang kanyang panig sa pagsusulong ng nasabing Anti-Dengue Vaccination Program.
Una nang naghinala ang Senador na may anomalya sa nasabing programa.

Facebook Comments