Closed fishing season, mas mas mainam na sinuspinde sa halip na umangkat ng isda

Iginiit ni Committee on Agriculture Chairperson Senator Cynthia Villar na dapat ay sinuspinde muna ang
closed fishing season sa halip na umangkat ng isda.

Sinabi ito ni villar sa harap ng pasya ng Department of Agriculture (DA) na mag-import ng 60-libong metriko tolenada ng galunggong at iba pang klase ng isda ngayong unang quarter ng taon.

Nag umpisa ang closed fishing season nung Nobyembre 2021 sa ilang lugar at matatapos ngayong Enero at Pebrero.


Pero giit ni Villar, maari naman itong suspendihin kung talagang kakapusin ng isda dulot ng pagkasira ng mga palaisdaan ng manalasa ang Bagyong Odette.

Sabi ni villar, sumulat at nagsumbong sa kanya ang samahan ng mga mangingisda laban sa importasyon ng isda.

Pinayuhan naman sila ni Villar na kay Pangulong Rodrigo Duterte dumulog dahil ayaw naman makinig sa kanya ng mga opisyal ng Department of Agriculture.

Facebook Comments