Closed Fishing Season sa Davao Gulf, nagsimula na —BFAR

Ipinagbawal na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang panghuhuli ng isda sa Davao Gulf na magsisimula ngayong buwan ng Hunyo hanggang Agosto.

Sa nasabing panahon ay mahigpit na ipinagbabawal ang panghuhuli ng isda gaya ng mga mackerel o mas kilala sa tawag na Karabalyas, Hasa-Hasa, Anduhao, Alumahan, Galunggong, Moro-Moro, at Matangbaka.

Ito ay para masiguro ang pagdami ng mga uri nito at matiyak ang suplay ng produksiyon nito sa mas mahabang panahon.

Facebook Comments