
Inanunsyo ngayon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR na simula ngayong araw, maaari nang manghuli ng isdang galunggong sa karagatan ng Northern Palawan.
Ayon sa BFAR, natapos na kahapon ang tatlong buwang pagbabawal sa paghuli ng galunggong sa karagatan.
Paliwanag pa ng BFAR na maaari nang ipagpatuloy ng commercial fishers ang kanilang operasyon sa loob ng conservation area sa Hilagang-Silangan ng Palawan.
Matatandaan na ipinatupad ang galunggong closed fishing season noong Nobyembre 1, 2024 hanggang Enero 31 ngayong taon.
Dagdag pa ng BFAR na pinoprotektahan na sa ngayon ang pangingitlog at pagpaparami ng target na species ng isda.
Facebook Comments